Ang Kagawaran ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao ay naglabas ng iminungkahing tuntunin upang isulong ang pantay na kalusugan at bawasan ang mga pagkakaiba sa pangangalagang pangkalusugan. Ang iminungkahing tuntunin , Walang Diskriminasyong mga Programa at Aktibidad na Pangkalusugan, ay binabago ang mga regulasyon sa pagpapatupad para sa Seksyon 1557 ng Abot-kayang Pangangalagang Batas (ACA), at nagmumungkahi ng mga matatag na probisyon na magiging mas epektibo sa pagprotekta sa mga tao mula sa diskriminasyon.
Ipinagbabawal ng Seksyon 1557 ng ACA ang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad, o kapansanan sa ilang partikular na mga programa o aktibidad sa pangkalusugan at isa ito sa pinakamakapangyarihang kasangkapan ng pamahalaan upang matiyak ang walang diskriminasyong pag-access sa pangangalagang pangkalusugan. Bilang karagdagan sa iminumungkahing rebisyon sa pagpapatupad sa regulasyon ng Seksyon 1557, kasama rin sa paggawa-ng-panuntunang ito ang mga iminungkahing mga rebisyon sa walang diskriminasyong probisyon sa mga regulasyon ng Sentro para sa Serbisyong Medicare at Medicaid (CMS)
Ang Kagawaran ay nakikibahagi sa iminungkahing paggawa-ng-panuntunang ito upang palakasin at ibalik ang mga proteksyon mula sa diskriminasyon sa mga programa at aktibidad na pangkalusugan, naaayon sa teksto ng batas ng Seksyon 1557, layunin ng kongreso, legal na saligan, at ang prayoridad ng Administrayong Biden-Harris sa pagsusulong ng karampatan at mga karapatang sibil. Ang mga panukala sa Pahayag sa Iminungkahing Paggawa-ng-Panuntunang ito ay humuhugot sa malawak na pakikipag-ugnayan sa stakeholder, karanasan sa pagpapatupad ng Kagawaran at mga pag-unlad sa batas ng mga karapatang sibil.
Habang ginagawa ng Kagawaran ang paggawa-ng-panuntunang ito, parehong may bisa ang batas at ang kasalukuyang regulasyon. Kung naniniwala ka na ikaw o ang ibang partido ay nadiskrimina batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad, o kapansanan, bisitahin ang Reklamuhang Portal sa Tanggapan ng mga Kapatang Sibil (OCR) upang maghain ng reklamo online.
Buod ng Iminungkahing Tuntunin
Ibinabalik ang aplikasyon sa lahat ng pinangasiwaang mga programa at aktibidad na pangkalusugan ng Kagawaran ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao.
Ang iminungkahing tuntunin ay naaakma sa parehong mga pamantayan ng walang diskriminasyon sa mga programa at aktibidad sa pangkalusugan ng Kagawaran bilang kinakailangan sa mga tumatanggap ng pederal na pondo. Nilimitahan ng 2020 Rule (85 Rehistrong Pederal 37160 (Hunyo 19, 2020)) ang saklaw ng mga kinakailangan sa walang diskriminasyon ng Seksyon 1557 sa mga programa at aktibidad lamang na isinagawa ng Kagawaran sa ilalim ng Titolo I ng ACA. Ang Kagawaran ay naniniwala na ang pagbibigay-kahulugan sa Seksyon 1557 para saklawin ang lahat ng mga programa at aktibidad sa pangkalusugan na pinangangasiwaan ng Kagawaran ay ang pinakamahusay na pagbasa ng wika ng batas, at ang isa na nagbibigay ng proteksyon mula sa diskriminasyon sa mga tao sa mas maraming programa. Ito ay nagpapakita ng pangako ng Kagawaran sa pagtiyak na ang mga indibidwal ay hindi napapailalim sa diskriminasyon sa malawak na hanay ng mga programa at aktibidad sa pangkalusugan na isinasagawa nito, kabilang ngunit hindi limitado sa Serbisyong Pangkalusugan ng Indian, Sentro para sa Serbisyong Medicare at Medicaid, at ang Pambansang Institusyon sa Pangkalusugan.
Nililinaw ang aplikasyon ng Seksyon 1557 na mga kinakailangan sa walang diskriminasyon sa mga tagapagbigay ng segurong pangkalusugan.
Ang iminungkahing tuntunin, na naaayon sa layunin ng kongreso at saligan ng korte, ay nagpapanumbalik at nagpapalakas ng aplikasyon sa mga tagapagbigay ng segurong pangkalusugan na tumatanggap ng pederal na tulong pinansyal. Kinikilala ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga tagapagbigay ng segurong pangkalusugan sa pagbibigay ng probisyon sa pangangalagang pangkalusugan, ang iminungkahing panuntunang ito ay nagbibigay ng malinaw na pamantayan na walang diskriminasyon para sa industriya.
Nakaayon ang mga kinakailangang regulasyon ng diskriminasyon sa kasarian sa mga desisyon ng korteng Pederal.
Ang iminungkahing tuntunin ay nagbibigay-diin sa mga proteksyon laban sa diskriminasyon batay sa kasarian bilang kabilang ang diskriminasyon batay sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga proteksyong ito ay naaayon sa determinasyon ng Korte Suprema ng U.S. sa Bostock v. Clayton County, 140 S. Ct. 1731 (2020), at ang kasunod na Pahayag na Rehistrong Pederal ng Kagawaran na ang Seksyon 1557 ay ipapatupad na naayon sa desisyong ito na ang diskriminasyon sa kasarian ay kinabibilangan ng diskriminasyon batay sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian. Bilang karagdagan, nililinaw ng iminungkahing tuntunin na ang diskriminasyon sa kasarian ay kinabibilangan ng diskriminasyon batay sa mga stereotype sa kasarian; mga katangian ng kasarian, kabilang ang mga katangiang intersex; at pagbubuntis o mga kaugnay na kondisyon.
Nangangailangan na ang mga sakop na entidad na magkaroon ng mga patakaran sa Seksyon 1557 at pagsasanay ng mga staff.
Ang iminungkahing tuntunin, sa unang pagkakataon, ay nangangailangan ng mga tatanggap ng pederal na tulong pinansyal, ang mga programa at aktibidad sa pangkalusugan ng Kagawaran, at Mga Palitan Estado o State Exchanges para ipatupad ang mga patakaran at pamamaraan laban sa diskriminasyon upang mabigyan ang mga staff ng malinaw na patnubay sa pagbibigay ng mga serbisyong tulong sa wika para sa mga indibidwal na may limitadong kasanayan sa Ingles (LEP), at epektibong komunikasyon at makatwirang modipikasyon sa mga patakaran at pamamaraan para sa mga taong may kapansanan. Ang mga sakop na entidad ay kinakailangan ding sanayin ang mga nauugnay na staff sa mga patakaran at pamamaraang ito. Ang mga kinakailangang ito ay makakatulong na mapabuti ang pagsunod at mabawasan ang pangangailangan para sa pagpapatupad.
Nangangailangan na ang mga sakop na entidad na magbigay ng abiso sa pagkakaroon ng mga serbisyong tulong sa wika at mga pantulong na tulong at serbisyo.
Ang iminungkahing tuntunin ay nangangailangan ng mga sakop na entidad na magbigay ng abiso sa pagkakaroon ng mga serbisyong tulong sa wika at mga pantulong na tulong at serbisyo sa Ingles at hindi bababa sa nangungunang 15 wikang sinasalita ng mga taong LEP ng nauugnay na estado o mga estado. Ang mga abisong ito ay dapat ding ibigay sa mga alternatibong pormat para sa mga indibidwal na may mga kapansanan na nangangailangan ng mga pantulong na tulong at serbisyo upang matiyak ang epektibong komunikasyon. Ang mga sakop na entidad ay kakailanganing ibigay ang mga abisong ito sa taunang batayan, kapag hiniling, sa mga kilalang pisikal na lokasyon, at sa isang kapansin-pansing lokasyon sa kanilang mga website. Ang iminungkahing tuntunin ay nagpapahintulot din sa mga indibidwal na mag-opt out sa pagtanggap ng isang indibidwalisadong abiso sa taunang batayan.
Inilalagay ang mga sakop na entidad sa pahayag ng aplikasyon ng mga kinakailangan sa walang diskriminasyon sa paggamit ng mga klinikal na algorithm.
Ang iminungkahing tuntunin ay nagsasaad na ang isang sakop na entidad ay hindi dapat magdiskrimina laban sa sinumang indibidwal batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad, o kapansanan sa pamamagitan ng paggamit ng mga klinikal na algorithm sa paggawa ng desisyon nito. Ang probisyong ito ay hindi nilalayon para hadlangan ang paggamit ng mga klinikal na algorithm; ngunit upang maiwasan ang diskriminasyon dahil sa kamakailang pagtaas ng kompiyansa sa mga klinikal na algorithm sa paggawa ng desisyon sa pangangalagang pangkalusugan.
Nagbibigay ng malinaw na proseso para sa pagtataas ng mga pagtutol sa relihiyon at konsensya.
Ang iminungkahing tuntunin ay nagbibigay ng malinaw na proseso kung saan ang mga tatanggap ng pederal na tulong pinansyal mula sa Kagawaran ay maaaring ipaalam sa OCR ang kanilang paniniwala na ang aplikasyon ng isang ispisipikong probisyon o mga probisyon ng Seksyon 1557 ay lalabag sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng konsensyang pederal o mga batas sa kalayaan sa relihiyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, nilinaw ng OCR na kapag nakatanggap ito ng reklamo laban sa isang tatanggap, ihihinto nito ang anumang pagsisiyasat o iba pang aksyon sa pagpapatupad hanggang sa magawa ang isang pagpapasiya kung ang isang tatanggap ay hindi saklaw sa pagtupad sa, o may karapatan sa modipikasyon ng aplikasyon ng, isang probisyon ng tuntunin. Bukod pa rito, ang panuntunan ay nagbibigay na ang OCR ay maaaring gumawa ng pagpapasiya hinggil sa kung ang isang tatanggap ay dapat makatanggap ng isang iksempsyon o modipikasyon mula sa mga probisyon ng panuntunan pagkatapos makatanggap ng abiso, walang pagsisiyasat o aksyon sa pagpapatupad, kung mayroong sapat na batayan para sa paggawa nito.
Nililinaw na ang mga kinakailangan sa walang diskriminasyon ay nalalapat sa mga programa at aktibidad sa pangkalusugan na ibinibigay sa pamamagitan ng mga serbisyo sa telehealth.
Ang iminungkahing tuntunin ay ispisipikong tumutugon sa walang diskriminasyon sa probisyon ng mga programa at aktibidad sa pangkalusugan sa pamamagitan ng mga serbisyo sa telehealth. Ang Telehealth ay isang paraan kung saan ang mga sakop na entidad ay nagbibigay ng kanilang mga programa at aktibidad sa pangkalusugan. Nililinaw ng probisyong ito na ang mga sakop na entidad ay may apirmatibong tungkulin na huwag magdiskrimina sa kanilang paghahatid ng mga naturang serbisyo sa pamamagitan ng telehealth. Kasama sa tungkuling ito ang pagtiyak na ang mga naturang serbisyo ay naa-access ng mga indibidwal na may mga kapansanan at pagbibigay ng makabuluhang access sa programa sa mga indibidwal na LEP. Kabilang sa mga naturang serbisyo ang mga komunikasyon tungkol sa pagkakaroon ng mga serbisyo sa telehealth, ang proseso para sa pag-iskedyul ng mga appointment sa telehealth (kabilang ang proseso para sa pag-access sa on-demand na hindi naka-iskedyul na mga tawag sa telehealth), at ang appointment sa telehealth mismo.
Binibigyang-kahulugan ang Medicare B na Bahagi bilang pederal na tulong pinansyal.
Ang iminungkahing tuntunin ay naghahayag ng posisyon ng Kagawaran na ang Medicare B na Bahagi ay pederal na tulong pinansyal para sa layunin ng pagkakasakop sa ilalim ng mga pederal na batas ng mga karapatang sibil na ipinapatupad ngKagawaran. . Kasama sa mga ito and Titulo VI ng Batas ng Karapatang Sibil ng 1964, Seksyon 504 ng Batas ng Rehibilitasyon ng 1973, Titulo IX ng Susog sa Edukasyon ng 1972, ang Batas sa Diskriminasyon sa Edad ng 1975, at Sekyson 1557 ng ACA. Ang mga pondo ng Medicare B na Bahagi ay nakakatugon sa kahulugan ng pederal na tulong pinansyal sa ilalim ng batas, gaya ng itinatadhana sa mga regulasyon sa pagpapatupad para sa bawat isa sa mga nabanggit na batas. Ang Kagawaran ay naniniwala na ang mga nakaraang katwiran na ibinigay para sa pagbubukod ng Medicare B na Bahagi ay hindi ang pinakamahusay na pagbabasa ng mga batas sa karapatang sibil dahil sa layunin at operasyon ng programa ng Medicare B na Bahagi
Ibinabalik ang mga proteksyon batay sa pagkakakilanlan ng kasarian at oryentasyong sekswal sa mga regulasyon ng Sentrong Serbisyo ng Medicare at Medicaid.
Ang Panuntunan ng 2020 ay nag-amyenda ng sampung probisyon sa mga regulasyon ng Sentro ng Serbisyong Medicare at Medicaid (CMS), na lahat ay sumasaklaw sa hindi bababa sa ilang entidad na napapailalim din sa Seksyon 1557, upang tanggalin ang wikang nagbabawal sa diskriminasyon batay sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlan ng kasarian. Kasama sa mga probisyong ito ang mga regulasyong namamahala sa Medicaid at Programang Segurong Pangkalusugan ng mga Bata (CHIP); Mga Programa sa Lahat Kasamang Pag-aalaga sa Matatanda (PACE); tagapagbigay segurong pangkalusugan at ang kanilang mga opisyal, mga empleyado, mga ahente, at kinatawan; Ang Estado at ang mga Exchanges na nagsasagawa ng mga kinakailangan sa Palitan; mga ahente, mga broker, o mga web-broker na tumutulong o nagpapadali sa pagpapatala ng mga kwalipikadong indibidwal, kwalipikadong employer, o kwalipikadong empleyado; nagbibigay ng mahahalagang benepisyo sa kalusugan (EHB); at mga tagapagbigay ng kwalipikadong planong pangkalusugan (QHP). Iminumungkahi ng CMS na amyendahan ang mga regulasyong ito sa Seksyon 1557 na iminungkahing tuntunin upang muli nilang matukoy at kilalanin ang diskriminasyon batay sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian bilang mga ipinagbabawal na anyo ng diskriminasyon batay sa kasarian . Bilang karagdagan, iminumungkahi ng CMS na amyendahan ang sarili nitong mga regulasyon na nag-aaplay ng mga proteksyong ito sa CHIP upang mailapat din sa mga programa ng bayad-para-serbisyo ng Medicaid at mga programa ng pinamamahalaang pangangalaga. Ang mga panukalang ito ay naaayon sa mga nasa ibang lugar sa iminungkahing panuntunang ito at magsusulong ng pagkakapare-pareho sa mga programa ng HHS sa pamamagitan ng pagbabawal sa diskriminasyon batay sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Pampublikong Komento
Ang NPRM ay humihingi ng komento sa iba't ibang isyu para mas maunawaan ang mga karanasan ng mga indibidwal sa diskriminasyon sa pangangalagang pangkalusugan at mga saklaw na karanasan ng mga entidad sa pagsunod sa mga pederal na batas sa karapatang sibil. Ang panahon ng pagkokomento ay magbubukas sa loob ng 60 araw para sa mga miyembro ng publiko na magbigay ng mga komento sa iminungkahing tuntunin. Isasaalang-alang ng OCR ang mga komentong iyon habang bumubuo ito ng panghuling tuntunin para ipatupad ang Seksyon 1557.
Ang Kagawaran ay magsasagawa din ng isang Tribal na pulong consultasyon sa August 31, 2022 mula 2:00 p.m. hanggang 4:00 p.m. Eastern Daylight Time. Upang makilahok, kailangan mong magparehistro nang maaga sa https://www.zoomgov.com/meeting/register/vJIsfu-rqzksEl2T8gUp_lDrWBqkU0223CY.
Ang teksto ng regulasyon sa Ingles ay makukuha sa https://www.regulations.gov. Ang mga isinaling buod ng regulasyon ay makukuha sa lalong madaling panahon sa www.hhs.gov/ocr. Kung kailangan mo ang regulasyon o buod sa isang alternatibong pormat, mangyaring tumawag sa (800) 368-1019 o (800) 537-7697 (TDD) para sa tulong o email 1557@hhs.gov.
Maaari kang magsumite ng mga komento, kinilala sa pamamagitan ng RIN 0945-AA17, sa pamamagitan ng elektroniko https://www.regulations.gov, o sa pamamagitan ng koreo o sa pamamagitan ng hand delivery o tagadala sa sumusunod na address lamang : Kagawaran ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao sa Estados Unidos, Tanggapan ng mga Karapatang Sibil. (U.S. Department of Health and Human Services, Office for Civil Rights, Attention: 1557 NPRM (RIN 0945-AA17), Hubert H. Humphrey Building, Room 509F, 200 Independence Avenue SW., Washington, DC 20201.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring pumunta sa website ng OCR sa www.hhs.gov/ocr.